Sabado. Umuulan ng bumaba ako sa sasakyan. Mabilis akong pumasok sa loob ng simbahan. Hindi ko na nahintay ang aking ama. Madaming bakanteng upuan. Trenta minutos pa bago mag-umpisa ang misa. Mayroong mag-syota na umupo sa aking harapan, naglalampungan. Gusto kong batuhin at isigaw na sa labas na lang kayo magyapusan. Narinig marahil ang bulong ko. Maya-maya lang ay tumayo at umalis sa kanilang pwesto.
Nakita ko na ang tatay ko. Hindi umupo sa tabi ko. Naglakad.Naglakad patungo sa harap ng altar.Ako na sa dulo ng simbahan. Kailan nga ba ako huling nagsimba? Kailan ba ang huling pagpasok ko sa simbahan ng Baliwag? Kailan ba kami huling nagsimba na buo ang pamilya?Tatlong taon na. Ngayon magkasama kami ng aking ama,ngunit hindi magkatabi.Malayo.Malaki ang distansya.
Nag-umpisa na ang misa. Tumakaw sa aking atensyon ang isang pamilya. Ang mga magulang sa tantya ko ay nasa edad trenta. May dalawang anak na lalaki. Ang panganay sa aking palagay ay pitong taong gulang at ang bunso ay lima. Nakayakap sa kaliwang braso ng ama ang panganay, hindi natitinag sa ganoong posisyon. Samantalang ang bunso ay nakahawak sa kanang kamay.
Hindi ako makahinga. Ngunit hindi ko maialis ang aking mata sa kanila. Kwento ng pari sa homilya, noong nagpari daw siya sinakripisyo niya lahat. Hindi niya nakikita ang halaga ng yaman, lupa na maipapamana ng kanyang mga magulang. Ngunit ang pinakamahalaga sa kanya ay ang pamilya. Mismong sarili niyang Ina tutol sa kanyang pagpapari. Ngunit tiniis niya ang lungkot at pait na dulot ng kanyang desisyon. Saksak ng punyal sa kanyang pandinig ng sinabi ng kanyang Ina ang "Masakit sa akin na gigising tuwing umaga na tatlong anak na lang ang makikita ko, samantalang apat kayo na sinilang kayo".
Sabi ng pari "Mga magulang tingnan niyo ang mga anak na katabi niyo, sila ang pinakamagandang nangyari sa buhay niyo." Aray.Aray. Aray. Gusto kong marinig ang mga katagang iyon sa tatay ko.Ngunit hindi ko katabi ang tatay ko. Napakalayo niya. Nasukol ako sa sitwasyong iyon. Nabulunan. Nasamid. Hindi makahinga.Nangilid ang mga luha.
"Sumainyo ang kapayapaan."
"At sumainyo rin."
"Magbigayan tayo ng kapayapaan."
Pilit na ngiti. Peace be with you. Nakita ko ang pamilyang nasa harapan ko. Humalik ang mga anak sa magulang, yumuko ang ama para maabot ng anak ang kanyang pisngi. Hindi ko namalayan,tumulo ang luha sa aking pisngi. Tumulo. Hindi ko mapigil. Hindi ko mapigilan ang pag-iyak. Tumingala ako sa kisame. Nakita ko ang langit na pinta. Naawa ako sa sarili. Pinahid ko ang mata ngunit ayaw magpapigil ng aking kaluluwa. Naiingit ako. Naiingit ako.Asan na ang aking ama? Asan na? Hindi ko man lang masabi ang tatlong katagang sinabi ng pari. Kailan ko ba siya huling nahalikan? Hindi ko na matandaan.