Thursday, July 24, 2008

Limang piso



Byernes. Ala-singko y medya ng hapon. Kalahating oras ng naghihintay ng jeep si Gina. Lahat puno ang byaheng monumento. Lagkit na lagkit na siya. Gusto na niyang umuwi at maligo.

Sakto may jeep na kasya ang tatlong tao. Kaagad siyang nakipag-unahan. Siniksik ang katabi at sinandal ang hapong-hapong katawan sa matigas na upuan.Kinapa niya ang bulsa para humanap ng barya.May tatlong limang piso.


May batang sumakay. Nanlilimahid tingnan. Madungis ang muka, punit-punit ang kupas na damit, maiitim ang kuko at amoy-basura. Hawak nito ay basahan. Biglang pinahid sa mga sapatos ng nakasakay.Humalik lang ng bahagya sa magagarbong sapin sa paa.Nakalimutan ni GIna ang pagod niya. Mabilis siyang kumapa ng limang-piso. Nang matapat sa kanya ang bata, inabot niya ang barya.


Siya lang ang nagbigay.Siya lang.Nagpasalamat ang bata, ngumiti siya.Hinatid niya ng tingin hangang sa pagbaba ng bata. Kitang-kita niya dumulas sa kamay ang limang pisong hawak nito. Tumalon ang bata.Hinabol.


Nakakabingi ang pag preno. Sigawan. Nanlaki ang mata ni Gina. Nabundol ang bata ng malaking dump truck. Naging pula ang kalsada. Pinagtinginan lamang ang bata. Nakita niya ang basahan,nag-iba ng kulay. Ngunit ang limam pisong bigay niya ay di na niya makita.

6 comments:

Anonymous said...

D=!!!!!!!!

i dont get the last sentence? =s

Anonymous said...

feck!

ano ba! at bakit ba hindi mo na lang ginawang ending eh pagkahabol ng bata sa limang piso, dinampot nya ito at pumunda sa panederya at bumili ng tinapay! simple db? busog pa ung bata.

sus! bakit ba kasi kelangan pa ganun kbrutal ung ending? hahahaha..che!

girlindlibrary said...

our world is so mean...so am i.

Anonymous said...

Our world is not mean, its just how you look on it.

girlindlibrary said...

leche malupit talaga ang mundo...
parang ako.haha.amp*

girlindlibrary said...
This comment has been removed by the author.