Thursday, June 26, 2008

Lapis at Papel



Matagal ko na siyang lihim na pinagmamasadan. Hindi ko pa alam ang kanyang pangalan, ako na ang nangunguna niyang taga-hanga. Sa bawat hakbang niya, aking pinag-aaralan. Ang kanyang marahan na pagsasalita, ay aking kinaiingitan. Ang kanyang umaapaw na kaalaman, ay lubos kong hinahangaan. Malalim na tao, marahil kasing lalim ko.

Naramdaman niya marahil na may matang palaging nakatingin sa kanya, ako’y kanyang nilapitan at kinausap. Hinubad niya ang aking maskara. Nagpakatotoo, nagulat ako dahil pareho lamang kaming nagbabalat-anyo. Kami’y magka-uri. Magaling dumiskarte ang tadhana.

Tawanan. Nagkagulutan. Kwentuhan. Sawing pag-ibig niya. Pangarap. Lihim na nakaraan. Kapatid. Mahal na Ina. Nagbukas siya ng bintana ng kanyang buhay, sa tulad kong minsan lang niya nakausap. Sumakit ang mga hikaw ko sa utak. Umulan ng maraming mapait na karanasan. Kampante siya sa akin. Ngunit ako, hindi masyadong nagkwento tungkol sa sarili. Pagkakataon niya iyon, na makasama ko, na mrinig ang kanyang hinaing. Masaya siya, naihinga niya ang lungkot sa isang lihim na humahanga. Iyon ang gusto ko, iyon ang gusto niya. Magaling manukso ang tadhana.

Kerida niya ang lapis at papel. Magaling,hindi ako nag-iisa. Binabasa niya ang mga kilos ko, sinusulat ang mga reklamo ko sa mundo. Inaabangan niya ang mga malulutong na mura na mangagaling sa bibig ko. Bihasa siya sa pagmamasid, natalo niya ako sa inaakalang propesyon ko. Lingid sa aking kaalaman, ako ang paborito niya akong pagmasdan, manghang-mangha siya sa mga kinikilos ko. Hinahangaan niya ang katapangan kong kadalasang nawawala sa lugar. Hindi niya ako nililibak, hindi rin niya ako pinipigilan. Pinapabayaan niyang hindi ko suot ang aking maskara.

Gumuguhit sa kanyang labi ang matamis na ngiti habang ako’y pinagmamasdan niya sa malayo. Ang magaslaw kong kilos, ang mabilis kong paglalakad. Ang pagiging liberal, ang paglaban ko sa karapatan ng iba. Tinalikuran na ako ng lahat, ngunit siya, kahit nasa malayong distansya, handa siyang iabot ang kanyang kamay, patunay na hindi lang niya ako pinagmamasdan- hindi niya ako iiwan.

Mabait siya. Mailap ang aking ngiti, kapag ang aming mga mata’y nagtatama. kapwa namin binabasa ang isa’t isa. Ano ang iniisip niya? Ano ang iniisip ko? Madumi. Marami. Magkaulayaw ang aming anino, kapwa naghahanapan. Sawa na sa lihim. Malapit ng tuldukan ang pagnanakaw ng sulyap.

Hindi kami sa panaginip magkikita. Ipaubaya na lang sa mga kwento ko ang pantasya. Sa hinaharap, nararamdaman ko, iisa lang kami ng plano sa buhay. Iisa lang ang binubulong ng tadhana. Hindi kami magiging lihim. Sa hinaharap, magiging hubad na katotohanan ang lahat. Ang papel ay ginawa para sa lapis. Ako ay ginawa para sa kanya, siya ay ginawa para sa akin at sa akin lamang.

8 comments:

Anonymous said...

anu ibig sbihin ng Magkaulayaw??? =/

Anonymous said...

magkaulayaw ibig sabihin magkasama c:

Anonymous said...

mabel, uunlad na ang iyong bokubolaryo sa wikang tagalog :) lalim nyan ah hahaha..

girlindlibrary said...

anglalim nun ah, uunlad.nosebleed si mabel.lol

Anonymous said...

ang tarush!!
ng storya talagang ganun ang buhay
kung para sau xa sau xa
kung laan sau laan sau

kahit na anu pa mangyare
ang para nga kay juan para daw kay pedro
joke.. ahaha angulo ko nuh!

basta bawat tao may laan ren na tao
ganun un.. lapis para sa papel

nice one glenda!
ang itlog para sa lugaw
diba ahaha lols =))

khaye

girlindlibrary said...

tama tama khaye...ang itlog para sa lugaw.hahA

Anonymous said...

Aw. Meant-to-be cguro kayo. Soulmates eka nga. :D

girlindlibrary said...

*pink,sana nga were soulmates.lol