
Dinala siya ng pagkakataon sa buwan ng Nobyembre. Pinakilala ng isang kaibigang naawa sa aking kalagayan. Hindi pa daw ako nagkakanobyo. Sayang daw ako. Sayang kung hindi matitikman. Malakas ang kabog sa aking dibdib. Bahala na. Wala naming mawawala kung aking susubukan Isa siyang tambolista ng isang nangangarap na banda. Hindi pa sila sikat, ngunit gustong sumikat. Nag-aaral siya sa La Salle, kick-out ng UP dahil sa maselang dahilan. Nagtatrabaho kahit hindi naman kailangan, ngunit nagsisikap para sa kanyang anak. OO, binatang ama walang asawa. Naghahanap ng magiging asawa. Malambing siya. Mabilis ang pananalita. Magaling mambola, madali akong napaniwala. Kapag may kausap akong ibang lalaki, huwag na huwag daw akong maniniwala. Sa kanya lang daw ako dapat magtiwala, sa isang bagong kakilala na hindi pa nakikita. Sige pagbigyan, wala naming mawawala. Masarap pakinggan ang kanyang mga pambobola, pinapapula ang aking pisngi. “Pwede daw ba akong ligawan?” Gustong- gusto daw niya ang aking maamong mukha, na para bang hindi marunong magmura. Magkakasundo daw kami ng anak niya dahil mahilig ako sa bata. Walang problema sa mga kabarkada at kabanda niya, boto lahat sila na ako ang maging nobya niya dahil ako’y nakilala na nila. Ang sarap pakinggan. Walang kumokontra, lahat masaya. Ilang araw bago ang aking kaarawan, pupunta daw ang buong banda sa Bulacan. Gagawin daw nila akong prinsesa. Tutugtugan daw nila ako ng mga kantang makakatunaw ng aking puso, upang mabanggit ko ang hindi pilit na “OO”. Nagpasama siyang bumili ng mga bulaklak hindi sa Dangwa, ngunit sa isang mamahaling tindahan sa Mall. Hindi daw ako dapat tinitipd. Maganda ang bulaklak sabi ng aking kaibigan, sana daw sa kanya na lang ibinigay. Hindi ko pa mandin nahahawakan ay kinilig na ang buo kong katawan. Nobyembre 25, 2005. Ikalabing-walong taong kaarawan ko. Ganap na akong dalaga. May isang bisitang binulong sa akin na huwag daw muna akong mag-aasawa, at malakas akong napatawa. Hindi ako mapakali, nagsisidatingan na ang mga bisita ngunit hindi ko pa nakikita ang gusto kong makita. Dumilim ang paligid, nawalan na ako ng pag-asa. Hindi ko na siya makikita, kahit anino man lang niya. Hindi sumasagot sa mga tawag. Hanggang malaman ko ang malungkot na katotohanan. Naaksidente ang isa nilang kabanda, nakasakay sa motor. Gusto sanang sumama ngunit hindi na nakapunta. Sinugod kaagad sa Ospital, malubha ang kalagayan. Nag-aagaw buhay. Hindi na sila nakatuloy. Nalanta ang bulaklak na hindi ko lamang nasilayan at nahawakan. Hindi kami nagkita. Palaging may aberya. Katapusan ng Nobyembre, mayroon silang gig sa Cainta. Una, inimbita niya ako, susunduin at ihahatid daw ako pauwi, sige walang problema. Hindi natuloy dahil naaksidente nga ang kabanda nila, hindi sila complete hindi buo ang combo. Sumunod, ipapakilala dapat niya ako sa magulang niya, ngunit dumating ang Ina ng kanyang anak. Nauwi sa away, hanggang nawalan na siya ng ganang sunduin ako. Nanlamig. Palagi daw ganoon, marahil hindi daw talaga gustong pagtagpuin ng tadhana. Nauwi sa pagtatalo. Mabilis siyang sumuko. Mabili siyang nakahanap ng kapalit ko. Ang kaibigan ko. Isang mapait na katotohanan, na parang ako’y ginamit lamang. Pinaasa sa mapapait na salita na nauwi sa talim ng dila. Pati ng relasyon ng aming kaibigan naapektuhan. Mahal ko ba siya? Siguro. Maari, o baka hindi. Pinilit kong makalimot. Ang tambol ng aking dibdib ay unti-unting bumalik sa normal. Nobyembre 2007. Malapit na naman ang aking kaarawan. Dalawang taon ang nadagdag sa aking edad. Makakarinig na naman ba ako ng matamis na pangako? Kikiligin ba ako ulit? Lilipad na naman ba ang aking diwa na kami’y para sa isa’t isa? Mahahawakan kaya niya ang aking malalamig na kamay? Maghahalo kaya ang aming malulutong na tawanan? Magyayakap kaya sa dilim ang aming mga anino? Gaano kaya kalambing ang kanyang boses? Kaya ba niyang gisingin ang natutulog kong kaluluwa? Mapagbiro talaga si tadhana, mahilig mangbigla. Pumatak na naman ang buwan ng mga patay. Unang araw may nagparamdam. Tambolista sa isang pasikat na banda, kilala na sa Cainta at Marikina. Isang nursing student. Ngunit walang anak, binatang- binata. Malambing, mabulaklak din ang bibig, gaya ng nakaraan. Sa katapusan ng Nobyembre me tugtog sila sa Cainta, inimbita ako. Hindi ko alam paano pumunta at wala akong kasama, ihahatid daw niya ako. Napailing na lang ako. Eto na naman, magiging panakip-butas na naman ba ako? Paaasahin ulit? Na ako lang ang babae sa buhay niya kahit ilang magaganda pa ang iharap sa kanya? Masarap pakinggan. Sinong hindi maniniwala? Isang hibang lang, ngunit hindi ako hibang. Hindi na mahihibang. Ayoko na, masakit na iyong una, ayoko ng maulit ang nakaraan. Maari bang huwag mo na lang akong saktan? Iwan mo na lang ako kaagad kung wala kang importanteng kailangan. Hindi ko din kailangan ng iyong pagpapaalam. Malas ang buwang Nobyembre. Dumadating ang mga hindi ko naman talaga kailangan. Lalake, mga lalake. Inuulit ang nakaraan, mapait na nakaraan. Madaling maniwala, mahirap makalimot. Malalim ang iniwang sugat, nandoon pa rin ang peklat, alaala ng mapait na nakalipas. Sana hindi na maulit ang nakaraan, masakit isiping trinato akong akong basahan. Ginagamit lang at pagkatapos iniiwan. Tao ako pare, tao hindi basahan.
13 comments:
this story reminds me of someone hahaha.. :)
the first part made laugh..
Sayang kung hindi matitikman
LOL
i WAS thinking of something..or someone when i was reading it..but i forgot who or what it was?! lol
good story. =]
haha. your thinking of somethning green mabel.lol
magaling, magaling, magaling.
para ka palang makata, matalingahaga parang dalampasigan. hehehe!!! sikat na ba ung banda nya? noa panagalan? may kilala akong mambabarang! hehehe
wah! paboret kulay ni stepanya yan a!!
okay lang green wag lang mukang shrek lol =))
khaye
ang drma ren nito
nibasa ko buong buo
lang labis alang kulang
:)):)):))
khaye
angkulet mo talaga mag-comment khaye.lol
Aw. Man! Fiction ba yan or non-fiction? Real story? Kung totoo,ang sakit naman nun. Amf!
*ronald nag-comment ka pala.lol.pangalan ng banda nia??ah...tanong mo ke hans.lol
*pink,true-to-life yan.
anu b ibig sabihin ng KATHA?!?!
im only 15, semplang grades ko s Filipino nung nsa pinas p ko..i dont kno some of the words in ur stories..tae kung kni knino q p tnatanung para malaman ung meaning LOL
mahusay. mainam. intelehente.
makapanindig-balahibo ang mga salita.
lalo na yung huling linya.
balikan natin yung lalaki! balikan natin!
hihingi ako otograp.
hehe.
mahusay. mainam. intelehente.
makapanindig-balahibo ang mga salita.
lalo na yung huling linya.
balikan natin yung lalaki! balikan natin!
hihingi ako otograp.
hehe.
*mabel, wattttt 15 ka lang??lol
*bogart,ito ang pinakagustong narrative ekek ko,nilabas ko lahat ng galit ko sa pag-ibig.lol
Post a Comment